NO CLASSES TODAY
Walang pasok ngayong araw na ito sa NCR dahil sa magdamagan pag buhos ng ulan. Nung bata ko hindi ako masaya pag walang pasok dahil wala ding baon mabuti sana kung nakapasok na kame tapos biglang kinansela ang pasok para dun di na mababawi ng Nanay ko ang baon kong pera. Ang maganda lang kapaga walang apsok eh pinagluluto kame ng Nanay ng isang masarap na meriendsa SOPAS, AROZZ CALDO, GINATAANG HALO-HALO o kahit na anu mang lutin na makakapag painit sa amin sa panahon ng tag lamig. Sabay-sabay kaming kakain ng niluto ng Nanay. Sarap na sarap ako kapag nanay ko ang nagluto kaya nakakalimutan ko na ung araw na walang pasok at wala din akong baong pera. hayz.. Sarap balikan ang pagiging estudyante.
Ang kabutihan lang ng maagang pag kansela ng klase hindi na nagkukumahog ang mga magulang sa Pagsundo at ang pag-aalala sa kanilang mga anak.
Natatadaan ko noong panahon ng Bagyong ONDOY
Nasa eskwelahan pa ako noon nakikipagkwentuhan sa kaibigan ko kahit na kinansela na ang klase napauwi lang kame nang nalaman namin di titigil ang ulan at mag gwardiyang umiikot at nagpapauwi na. Pagbaba namin ng gusali nakita ko na halos isang talampakan na ang taas ng tubig sa loob ng eskwelahan namin at pag labas ko ng eskwlahan patungo sa parking lot nakita ko ang aking sasakyan na nasa kahati na nga gulong ang taas ng tubig kaya binuksan at pinaandar ko agad ang sasakyan pauwi sa amin.Ngunit sa kasamaang palad naipit ako sa may legarda at duon tumataas ang tubig kaya napilitan ako pumasok sa isang iskinita kung saan di masyadong mataaas ang tubig baha at duon na ako nag palipas ng buong magdamag hanggang maarin na akong makaalis at maaarin na tumawid pauwi.